It’s the first day of classes for the year 2007! I’m so happy kasi I’m back to school again after 2 weeks of Christmas vacation. At last, I’m gonna see UST and my friends again. I really missed them a lot…actually, kahit yung mga lessons ko namimiss ko na rin. Hmmmm..nakalimutan ko na nga yung iba eh! (.__”__.)
When I arrived at our campus…I was so excited to start my day here. I’m having some good vibes that early morning even though I’m kinda sleepy pa. I’m thinking of ways how to start my day right…and….how to start my very exciting and adventurous assignment. Syempre, pagkagising ko palang..naalala ko agad yun…don’t worry Joan…hehe!
Pagpasok ko sa classroom…medyo tahimik pa yung mga classmates ko. Naninibago siguro kasi may pasok na ulit. Almost lahat kasi ayaw pang pumasok…medyo may hang-over pa siguro from the past celebrations. Pagdating ko…nagkuwentuhan muna kami nina Dane and Medalene..na-miss ko talaga sila.
First subject palang namin…medyo pressuring agad. Naiinis yata si Sir Mattias because we can’t answer almost all the questions that he gave us. Then binigyan niya pa kami ng 1 absence each because we were not around during his time last Dec. 20, 2006. Christmas party kasi namin noon and we planned to start it at 9am. Eh our class during his period starts from 8am to 9am…kaya wala siyang nakita na kahit isang student so lahat kami absent na. I was surprised kasi nagclass parin daw siya kahit last day of classes na before Christmas vacation…dapat hindi na!
For our Psychology class, we watched a Documentary film about Multiple Personality Disorders. Medyo scary nga yung film kasi may isang iniinterview doon na merong 144 personalities. The person changes his/her personality….without remembering anything about his/her present status. May isang case pa nga na she can’t remember that she had 3 kids and that she lives in Texas. And then after some minutes...may bago na ulit na personality where iba na yung naalala niya. According to psychologists…Multiple Personality Disorder patients are sometimes hypnotized, making the person believe some things that does not happen in reality neither during the person’s childhood years.
For our last 2 subjects, new lesson..okei naman..medyo boring nga lang…^__^
After our classes, we ate at Lovelite..nakakamiss narin yung foods and drinks doon. Then nagstay muna kami doon for 1hour…ayaw pa kasi namin pumunta sa Orgroom kasi nahihiya rin kami sa ibang officers..and hindi pa kami pupunta sa meeting ng 4pm para sa Precom week..masyado na kasing late yun so parang useless narin na pumunta sa orgroom diba?!
Pero napilitan narin kami na pumasok kahit na medyo marami ng tao sa loob. Pagpasok namin, nag-Hi lang yung “iba” tapos hindi na ulit kami pinansin..hindi rin kasi kami masyadong nakikipag-usap kasi hindi naman namin ka-close yung mga officers na nandun.
We stayed there for almost 1 hour. Malapit ng mag3pm. Kelangan na namin umuwi kasi medyo matagal na rin kami sa school... but meron kaming problem..hindi namin alam kung pano magpapaalam sa mga executive officers na uuwi na kami. Kasi baka sabihin nila na malapit na ngang mga 4pm hindi pa kami umattend ng meeting...so bakit pa kami ngstay dun ng 1 hour kung useless lang.
But we came up with a very nice plan:
Marielle: Dane, pano yan.. pano tayo magpapaalam sa kanila na aalis na tayo. For sure pag-alis natin baka kung ano sabihin nila.
Dane: Oo nga eh..super bad na yung image natin sa kanila
Medalene: Uwi na tayo..late na eh!
Marielle: Sige.. ako rin eh kelangan na. So pano yun?!
Dane: Alam ko na...
(with loud voice) Medalene, diba nasa iyo yung locker key?! (hmmm..nice plan!)
Marielle: Oo nga Medz…ilalagay ko muna yung mga books ko doon.
Medalene: (medyo at lost) hah..sige ako rin..
Dane: Oo nga eh..ang bigat ng bag ko eh..
Marielle: Dala mo yung locker key diba..
Medalene: (whispering) hindi eh!
Dane: psssst!...kunwari dala mo.
Marielle: Halika na, puntahan na natin!
Finally, nakaalis na rin kami sa loob ng orgroom. Plano na talaga naming umuwi kaya lang may nakita ako...sobrang happie view! (.__”__.)
Marielle: Dane, si Dylan!
Dane: Nasaan?!
Marielle: Ayun oh.......!! (.__”__.)
Dane: Grabe, laki naman ng mata mo...
Marielle: Syempre naman... ui, ano gagawin natin?
Dane: Halika…bilis..habulin natin tapos kausapin natin!
Marielle: Hah..ano?! uhhhmmm (biglang isip sa special assignment ko) sige…
Medalene: hahaha! Parang hihimatayin na si Mariellee oh!
Marielle: wait, dahan-dahan lang baka makita tayo niyan. Baka lumingon sa likod eh..nakakahiya na makita niya tayo na hinahabol siya.
Girl from somewhere #1: uuuy..alam ko nakita niya ako eh!..alam ko talaga nakatingin siya kanina (referring to Dylan)
Girl from somewhere #2: Talaga?!
Marielle: ei, wait lang..medyo speed down muna. Baka mahalata tayo nung mga girls na hinahabol natin siya..
Dane: Oo nga eh…
Medalene: eh nakakainis naman si Dylan oh! Isang hakbang niya..3 steps na natin..
Marielle: hehehe... =)
**Now, pumasok naman siya ngayon sa UST Botanical Garden. Ano naman kaya yung gagawin niya dun?...ang weird talaga…may shortcut kaya dun?!
Marielle: Nakita ko siya..baka lumabas siya doon sa entrance na malapit sa Chapel.
Dane: Oh, sige… dun tayo tapos salubungin natin.
Marielle: Kaasar naman yung dalawang girls kanina eh. Kung wala siguro sila eh di nahabol natin ng maayos yung tao.
Dane: pssst..wag kang maingay nasa likod natin sila.
Marielle: hah?!..hindi nga…
Pagtingin ko..nasa likod nga namin sila..hmmm..sinusundan yata kami ah?!
Pagpasok namin sa may entrance, meron kaming nadiscover na new place. Meron palang canteen and tindahan ng mga anime stuffs sa loob ng garden. Meron ding mga classrooms ng mga Biology students. And then…sa may paloob pa…is the extension of UST highschool building. Now lang namin ito nakita..new discovery! Akala ko nalibot ko na ang buong UST campus..pero meron pa palang ibang places na hindi ko pa nakikita. Hindi narin namin nakita yung hinahanap namin. Nawala na kasi siya sa eyes naming tatlo. Ang bilis niya kasing maglakad! Hehehe…better luck next time nalang siguro. Sa next time..for sure..mababati na namin siya.. ^__^
0 comments:
Post a Comment