Pages

It's Wednesday and I want to share what happened to me today.
I woke up early... yup!...20 minutes earlier than the usual time na gumigising ako. As I woke up, I planned na kumilos ng mabilis para naman maaga akong makarating sa school. Well, successful naman ako sa aking mga plans kasi mga 6:20am palang I'm all set and ready to go! But due to some unfortunate events, I still arrived late sa school. Kasi naman walang dumaan na Quiapo jeep doon sa may place kung saan ako sumasakay. Siguro mga 15 minutes din ako dun..naghihintay sa wala. Hanggang sa nagdecide na ako na mag-FX nalang para hindi ako maleyt...bilis ng biyahe pag FX! You know naman, first subject namin English kaya dapat on time kay Sir Mattias..hehe! Nakasabay ko pa nga si Rhaine (one of my highschool friends) kaya super kwentuhan kami sa loob. Syempre, namiss ko rin siya... (.__"__.)

Okei naman sa school ngayon. New lessons each subject and I swear this 2nd part of the 2nd semester na mas magiging serious ako sa pag-aaral. Medyo mababa kasi yung mga results ng exams ko sa ibang subjects kaya dapat bumawi sa Finals. Ayaw ko naman na magkaroon ng 3.00 sa transcript of records ko or magsummer ng isang subject kaya dapat magfocus sa studies.

At the end of our classes, we had our eating sessions with my friends. Maaga nga kaming natapos, mga 12:30pm...eh ayaw pa naming umuwi kaya nagstay muna kami sa mga upuan sa harap ng mga food stalls ng Accountacy building. Nag-eenjoy nga ako doon lalo na sa mga comments na binibigay nina Dane and Medz sa mga pipol na dumadaan. Syempre, hindi naman kami ganong ka-mean sa kanila... tawa lang talaga ako ng tawa! May mga tao kasi talaga na may ka-look-a-like! hehe...sa amin na lang yun kung tungkol saan yung mga pinag-usapan namin... =)

By 2:00pm, we've decided to go home na. Naghiwahiwalay na kami nina Dane and Medz kasi sa Espana yung way nila, ako naman sa Dapitan. Pero bago ako umuwi, dumaan muna ako sa CR ng building namin para magretouch. After nun, pasakay na sana ako ng jeep kaya lang naisip ko na kelangan ko ng bumili ng 3 column journal para sa Accounting. Medyo nagslow-down ako sa paglalakad kasi medyo sumasakit na yung feet ko. While I was walking, something unexpected happened to me...

Habang naglalakad ako (slowly!), nakatingin ako sa mga glass windows ng bawat store na nadadaanan ko. Nakikita ko kasi yung reflection ko... (nge..ang vain naman!) Tapos pagtapat ko dun sa loob ng Photoprints shop, parang may nakita akong tao na naka-smile sa akin. I can't clearly see who the person was kasi medyo hindi clear yung glass window ng shop. Habang palapit ako doon, na-realize ko na yung person na nakita ko eh medyo matangakad, lam niyo yun..parang pang basketball player yung height. And then, nung dumating yung moment na mas na-visualize ko na yung tao sa loob...I was surprised kasi...yung tao na naka-smile sa akin was Dylan! Sobrang nagulat talaga ako. I can't even picture out kung ano yung reaction ng face ko that time. Nakita ko nalang na nag-Hi sa akin si Dylan, so automatically...nagsmile and say Hi back na rin ako.

Haaaaii...nakakatuwa naman! Obviously, medyo nagblush ako doon sa nangyari! And guess what, hindi lang naman 1st time ito nangyari na nauna si Dylan na bumati, actually pang 2nd time na toh. Nangyari na rin kasi ito kahapon habang may practice kami sa PE. Well, ibang story na ulit yun..hehe!
O diba! This proves na familiar na pla talaga ako sa kanya. I thought kasi nakakalimutan niya parin ako dahil sa dami ng tao na kakilala niya..hehehe...we're friends na pala talaga! Hmmmmm...nde naman close...acquaintance palang.. =D

So that's it! After this, I'll be answering my homeworks na. Wish me luck..
Can't hardly wait for tomorrow...sharing time with my friends! (.__"__.)

0 comments: