Pages

We don't have our PE classes for today..it's our free day because our PE instructor sold us some tickets for the UAAP game UST vs. UP last Saturday at the Ninoy Aquino Stadium. I wasn't able to watch that game because I don't know where the exact venue is and I'm not familiar about it. I might have some problems on my way home after the game so I decided to watch it on tv nalang. We won that game naman (quite expected) so it's alright. Even though the ticket will cause me 50.00, may kapalit naman eh...wala kaming PE class..kaya okei lang din.

Sina Dane and Medz, may class sila ngayon sa basketball kasi hindi sila binentahan ng tickets ng PE instructor nila. So nagdecide kami nina Debbie and Scylla na manood nalang ng PE nila. Medyo mas malawak lang yung gym nila doon kaya lang uncovered...at least yung sa amin we have our protection just in case umulan. And then mas maraming basketball courts yung sa kanila..I think mga 6 or 8..yung sa amin 2 lang. Mas masayang maglaro pag maraming choices na courts..
And then katapat lang nila yung UST gym kung saan nagpapractice yung mga UST Tigers!..eto..swerte talaga nila! Kasi kinukwento daw ng professors nina dane and medz na pwede daw makipaglaro yung ibang players sa kanila and pwede pa silang turuang magbasketball...haaay..sana dito nalang ako natapat. Nauna kasi akong mag-enroll sa kanila kaya naiba yung venue nun sa akin. Kasama ko nga yung majority ng blockmates ko..nde ko naman kasama yung mga bestfriends ko..(hehe..ang drama eh!?) Pero naging factor din yung UST gym kaya ako nanghihinayang..hehe.. (.^__^.)

So pagpunta namin doon, nakita ko na agad si Dylan..na-imagine ko nga na kung dun yung PE lesson namin, eh di lagi kong makikita yung mga varsity players. hehe..anyways, wala na naman akong magagawa dun..yun ang destiny..hehe! Pati si Syclla, naeexcite kasi gusto naman niyang makita si Mirza...yun naman yung prospect niya..so super magkasundo kami sa pagpunta sa gym. Buti nga nahihila pa namin si debbie eh..super support! (.^__^.)
After namin panoorin sina Dane and Medz..nagplano kami na manood naman ng practice kaya lang ayaw kaming papasukin ni manong guard sa loob. Kakaasar nga eh..meron siyang pinapasok na ibang student..pero kaming 3 ayaw. Hindi naman kami mangugulo dun ah..=) (mukha ba?) Discrimination si kuya guard..(.^__^.)
Akala niya siguro nagcut kami ng class para manood lang ng practice..nde naman kami ganon..slight lang!..hehe.. Pero, honestly nde ko talaga gagawin yun..pag may free time lang talaga katulad kanina.

Kaya..nde kami naging successful sa aming mga plans..maybe next time. Gusto ko pa namang i-goodluck yung mga players..ai hinde pla..si Dylan lang..hehe..=)
Just stay tune sa aming mga adventures..(.^__^.)

0 comments: